Close

Higit 11,000 bagong kaso ng HIV-AIDS, naitala

Sponsor ads


Nakapagtala ang Department of Health ng higit 11,400 na bagong kaso ng HIV-AIDS noong nakaraang taon.

Ito ay mas mataas kumpara sa 11,100 kaso na naitala noong 2017.

Lumalabas rin na 98% ng kaso ay nailipat dahil sa sexual intercourse at 88% naman ay dahil sa pagtatalik ng dalawang lalaki.

Inabisuhan ng DOH ang publiko na sumailalim sa HIV-AIDS test.

Para sa mga magpopositibo sa test, sasagutin ng pamahalaan ang pagbili sa anti-retroviral drugs.