Close

Higit 100 nasa drug watchlist, sumuko

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Nasa 122 na mga nasa drug watchlist ng kapulisan sa buong Region 12 ang sumuko.

Batay ito sa latest report na inilabas ni Police Chief Inspector Aldrin Gonzales, spokesman ng Police Regional Office-12 sa nagpapatuloy na pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Nabatid na ang 122 na mga sumuko ay kabilang sa kabuuang 349 na mga nasa drug watchlist sa buong Region 12.

Kaugnay nito, agad na isasailalim sa rehabilitasyon depende sa kategorya ang mga ito lalo na kung ito ay severe drug addiction o sa pamamagitan ng community based rehabilitation. JBC