Close

Highway sa Negros Occidental, tinamaan ng landslide

Sponsor ads


Tinamaan ng gumuhong lupa ang kalahati ng daan ng Econtranslink Highway sa San Carlos City, Negros Occidental .

Dahil rito,pansamantalang hindi nadaanan ng mga motorista ang naturang highway.

Ayon pa sa San Carlos City Disaster Risk Reduction Management Office, maituturing na active landslide ang gumuhong lupa kaya delikado ito para sa mga motorista.

Agad namang umaksyon ang Department of Public Works and Highways para magsagawa ng clearing operations.

Maaari nang madaanan ang highway ngunit nagpaalala pa rin ang pamahalaan na mag-ingat.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.

Photo credits: ABSCBN