Close

Hidwaan ng dalawang malaking pamilya sa BARMM, natuldukan na

Sponsor ads


TULUYAN nang tinuldukan ng BARMM Government ang ilang taong hidwaan nina Datu Saudi Ampatuan Mayor Resty Sindatuk at ni 118th Base Command, Commander Wahid Tundok sa tanggapan mismo ni BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua kamakalawa, June 27, 2020.

Ayon kay BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua, napagtagumpayan ng Provincial Government ng Maguindanao sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu kasama ang asawa nitong si Sultan Kudarat Governor Suharto Teng Mangudadatu na pag-ayusin ang magkabilang panig.

Nag-ugat ang hidwaan nina Tundok at Mayor Sindatuk matapos na mabaril at mapatay si dating Vice Mayor Anwar Sindatuk sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Madia noong November 27, 2016 na kapatid naman ng kasalukuyang alkalde ng bayan.

Tumagal ang hidwaan ng halos apat na taon at sa pag-upo ng bagong tatag na BARMM Government na kabilang sa mga prayoridad nito ang pag-ayusin ang rido ng magkakamag-anak sa rehiyon ay isa ang gusot nina Mayor Sindatuk at Kumander Tundok sa napag-ayos.

Nabatid na bukod kay Kumander Tundok at Mayor Sindatuk ay kasama din sa pinag-ayos si 105th Base Commader Ustadz Zacaria Guma at tiniyak ng liderato ng kanilang kinaanibang organisasyon na kung sinuman ang lalabag sa mga napagkasunduan ay paparusahan ito ng MILF organization. // Jome Dimapalao