Close

Hidilyn Diaz, wagi sa online tournament

Sponsor ads


Nagwagi ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz sa 59kg category ng 2020 Oceania Weightlifting Federation (OWF) Eleiko Email International Lifeters Tournament.

Inanunsyo ang resulta ng naturang kumpetisyon noong Huwebes, kagabi.

Natalo ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang 50 iba pang atleta na nasa ilalim ng kinabibilangan niyang kategorya, kabilang na si Fatima Yukubu ng Australia na nasa ikalawang pwesto at si Johanni Taljaard ng South Africa na nasa ikatlong pwesto.

Nag-tweet naman si Diaz ng video na may caption tungkol sa online competition.

Sinabi niya na kung hindi dahil sa COVID-19 ay nasa Tokyo 2020 Olympics na siya sana nakikipagkumpetisyon.

Buti na lang anya ay meron online competition kung saan ay nakabuhat siya ng 95 kigs sa snatch at 121 kigs sa clean and jerk.

Matatandaan na naabutan ng lockdown sa Malaysia ang 2016 Rio Olympics Silver Medalist na si Diaz, habang patuloy na nagsasanay para mag-qualify sa kanyang slot sa Tokyo Games.