Close

Hidilyn, patuloy na nagpapakatatag sa kabila ng delay ng Tokyo Olympics

Sponsor ads


Patuloy na nagpapakatatag ang Philippine weightlifting champion na si Hidilyn Diaz sa pagsasanay habang wala pang katiyakan ang na-reschedule na Tokyo Olympics.

Ayon kay Diaz, hindi niya pa alam ang mangyayari sa susunod dahil marami pang katanungan sa COVID-19.

Gayunman, sinisikap niya pa rin maging positibo sa buhay at ipagpatulyo ang kanyang ginagawa.

Nagsanay si Diaz sa Malaysia noong nakalipas na tatlong buwan, kung saan siya ay inabutan na ng global lockdown.

Napilitan ang 2016 Rio Olympics silver medalist na ipagpaliban ang kanyang pag-aaral at personal na mga plano para maghanda sa Tokyo, at ngayon ay kailangan niya pa magsakripisyo muli dahil sa pag-urong ng kumpetisyon sa 2021.