Close

Hide packages from husband: Delivery driver, sinunod ang request na nakasulat sa doormat

Sponsor ads


Na-feature sa isang Facebook video ang “loyal” na Amazon delivery driver matapos nitong sundin ang request ng isang ginang mula Texas na itago ang mga package sa kaniyang asawa.

Ang nag-upload ng video ay ang mismong nag-order ng package na si Vanessa O’Shea na pinost rin ang larawan ng dormat nilang may nakalagay na “please hide packages from husband” na sinubukan naman talagang tuparin ng delivery driver.

"Shoutout to #amazon for always being loyal and hiding my packages,"saad ni O'Shea.

Saad naman ng ginang na residente ng Haslet, hindi naging epektib ang kaniyang plano dahil naghinala rin ang kaniyang asawa.

Aniya, kumakain daw sila ng hapunan ng matunugan ng kaniyang mister na may tao sa kanilang front door.