Close

Hero si Moana: Aso, 'nakigpaktuklawan' sa cobra sa Tacloban

Sponsor ads


Pinuri ng mga netizens ang katapangan ng isang aso matapos nitong mahuli at kagatin ang isang cobra sa loob ng bahay ng kanyang amo sa Tacloban City.

Kasabay nito, ikinalungkot rin ng mga ito ang pagpanaw ni Moana isang shitzu crossbreed chihuahua ilang minuto lang matapos ang insidente.

Hindi rin umano nila napansin kung nakagat rin ang naturang aso kaya hindi nila agad ito nadala sa veterinarian.

Sa Facebook post ni Jericho Macua, nanunuod umano siya ng TV nang mapansin niyang kahol ng kahol ang kanilang aso na parang mayroong kinukuha sa baba ng kanilang hagdan, ngunit ipinagkibit-balikat niya lang ito.

Nang hindi na siya mapakali dahil sa kakaibang tahol ni Moana at pagtingin umano niya ay ahas pala ang kinukuha ng aso.

"Moana iloveyou! Galing mo napabilib mo ko, hero ka talaga! Sinagip mo buhay ko and also kaming lahat na pamilya mo dito sa bahay! Kaya mahalin nyo aso nyo kasi matatalino talaga sila at kaya kayong sagipin kahit isalba pa buhay nila, dahil mas mahal nila tayo kesa sa sarili nila!" saad ni Jericho sa kanyang post.