Close

Heart, lalabas sa French ad campaign

Sponsor ads


Ibinunyag ng aktress na ang tunay na rason kung bakit siya ay nasa Paris ngayon ay dahil meron siyang shoot para sa ad campaign na gagawin ng isang French designer bag label.

Ayon kay Heart, nakita ng mga tauhan nasabing French label ang Instagram photo niya kung saan ay suot niya ang kanilang produkto.

Dahil dito ay agad siyang tinawagan ng mga tauhan nito.

Gayunpaman, wala pang detalye kaugnay sa photoshoot ni Heart sa fashion capital ng mundo.

Bukod naman sa nakatakdang paglabas ni Heart sa isang French ad campaign ay abala rin ito sa Paris sa panunuod ng fashion shows.

Napapabalita rin na nakipagkita si Heart sa author ng Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan.