Close

Heart, aminadong challenging ang pagtanggap sa mga anak ni Chiz

Sponsor ads


Aminado ang aktres na si Heart Evangelista na nahirapan siya noon na tanggapin ang mga anak ng kaniyang asawang si dating senador at ngayon ay Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Sa salaysay ni Heart, sobra ang kalituhan na kaniyang nadamawa nang dumating sa buhay niya si Chiz at ang kambal na anak nito na sina Chesi at Quino ay kapwa apat na taong gulang pa lamang.

Dumating aniya ang pagkakataon na naranasan niyang mag-alaga sa dalawa nang walang tulong ng isang yaya habang sila ay nasa Amerika.

Nagduda umano siya sa kaniyang sarili kung kakayanin ang mga ganitong sitwasyon lalo pa’t siya ang bunso sa kanilang pamilya.

Ngunit sa huli, natutunan din aniya niyang tanggapin ang mga anak ng kaniyang asawa na itinuring na niyang mga sariling supling.//GAP