Close

Healthy diet, makakaiwas sa hyperacidity

Sponsor ads


Hyperacidity o dyspepsia ang tawag sa sakit kung saan labis ang dami ng stomach acid o asido sa tiyan.

May kaugnayan ang regular na pagkain nang marami sa pagkakaroon ng dyspepsia. Ang tiyan ay nababanat kapag masyado itong maraming laman na nagreresulta sa pagiging sensitibo sa asido.

Kapag hindi ito naagapan, maaaring magbunga ng mga komplikasyon ang kondisyon tulad ng peptic ulcer o ulcer sa tiyan at chronic gastritis o pamamaga ng stomach lining.

Upang makaiwas sa hyperacidity o dyspepsia, bawasan ang dami ng pagkain.

Maaaring kumain ng 5 small meals imbis na mag-konsumo ng tatlong mabibigat na meal sa isang araw. Kumain sa takdang oras.

Pagkatapos kumain, maghintay ng 2 or 3 oras bago matulog.

Bawasan ang maaanghang na pagkain. Umiwas sa paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak, kape at soft drinks.

Magbawas ng sobrang timbang.Mag-ehersisyo araw-araw. Huwag magsuot ng sobrang sikip na damit.Bawasan ang pagkain ng tsokolate, ponkan, kamatis at iba pang bagay na maraming acid.

Ugaliin ang healty diet upang hindi maapektuhan ang tiyan, ilabas ang mga toxins sa katawan mag Nutri-Cleanse Herbal capsule.