Close

Harvey Carey, gumawa ng kasaysayan sa kanyang ika-700 laro kasama ang TNT

Sponsor ads


Gumawa ng bagong kasaysayan si Harvey Carey sa PBA matapos niyang maglaro para sa TNT sa ika-700 beses.

Naitala ito ni Carey matapos lamang ang 11-minuto na paglalaro sa laban ng TNT kontra Blackwater sa PBA Philippine Cup.

Sa buong kasaysayan ng PBA ay tanging sina Carey at PBA legends Alvin Patrimonio at Mark Caguioa lamang ang nakagawa ng ganito karaming laro para sa iisang kuponan.

Samantala, madali naman nalampasan ng KaTropa ang Elite sa score na 127-89.

Ito na ang magsisilbi bilang pangatlo sa magkakasunod na panalo ng KaTropa.

(Photo via pba.ph)