Close

Harden nasa Brooklyn Nets na matapos i-trade ng Houston

Sponsor ads


Magsusuot na ng ibang uniporme si NBA star guard James Harden matapos itong i-trade ng Houston Rockets sa isang blockbuster four-team deal.

Ang naturang hakbang ng Rockets ay kasunod ng hindi pagdalo ni Harden sa team practice matapos sabihin na ang Houston ay 'isn't good enough" para makipag-kumpetensiya para sa Championship ngayong taon.

Kasama sa trade deal ang Indiana Pacers at Cleveland Cavaliers.

Batay sa report, mapupunta si Harden Brooklyn Nets kapalit ni Caris Levert na agad din namang nai-trade sa Pacers para kay Victor Oladipo.

Ang center na si Jarrett Allen at forward Taurean Prince mula sa Nets ay mapupunta sa Cavs sa isang deal habang matatanggap naman ng Rockets ang Cleveland guard na si Dante Exum at Brooklyn forward Rodions Kurucs.

Makukuha din ng Houston mula sa Brooklyn ang tatlong unprotected first-round draft picks sa 2022, 2024 at 2026.

Ang megadeal ay nagbigay ng pagkakataon para muling magkasama sina Kevin Durant at Harden na unang naging magkakampi sa Oklahoma City Thunders sa kanilang championship run noong 2012.