Close

Halos 36,000 inilikas dahil sa Taal eruption

Sponsor ads


Aabot na sa 35,945 katao o 7,730 pamilya ang pansamantalang inilikas mula sa 27 siyudad at munisipalidad ng Batangas matapos ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Batay ito sa pinaka-huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa ngayon ay wala namang naitalang casualties dahil sa pagsabog.

Nasa 144 volcanic earthquakes na ang naitala sa rehiyon ng Taal kung saan ang 44 rito ay naramdaman ang intensity I hanggang IV na lindol sa Tagaytay City, Alitagtag, Sto.Tomas at Lemery Batangas.

Suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa buong probinsya ng Batangas, ilang siyudad sa Metro Manila at karatig probinsya.

Nananatili sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal na nangangahulugan ng nagbabadyang mas matinding pagsabog sa mga susunod na oras o araw.