Close

Halos 20 katao, patay sa sunog sa India

Sponsor ads


Tinatayang 17 katao ang nasawi sa sunog sa isang budget hotel sa New Delhi India.

Nasa 120 katao ang nasa loob ng Hotel Arpit Palace ngunit 35 katao lamang ang nailigtas.

Karamihan sa nasa loob ng hotel ay hinihinalang mga turista dahil kilala ito dahil sa murang room rates at shopping mall.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

25 taon na ang nakalipas nang ipatayo ang hotel.

Nagpahayag naman ng pakikidalamhati si India Prime Minister Narendra Modi sa mga nabiktima.