Close

Halalan ngayong taon, pinakamalala- Kontra Daya

Sponsor ads


Itinuturing ng grupong Kontra Daya ang halalan ngayong taon bilang "pinakamalalang" automated elections sa kasaysayan.

Ito ay matapos makapagtala ng higit kumulang 600 na pumalyang vote-counting machines, at halos 1,000 SD cards na nagkaproblema rin.

Paliwanag ni Kontra Daya convenor Danilo Arao, hindi lang ito usapin ng magnitude ng breakdown ng VCMs dahil kahit isa lang nito ang pumalya ay maaari itong magresulta ng "disenfranchisement of voters".

Samantala, sinabi naman ni Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon na bukas sila sa anumang pambabatikos dahil sa nangyaring mga aberya.

Dagdag pa niya,handa silang ipasilip ang kontrata ng kompanyang nagsuplay ng pumalyang SD cards para makita kung mayroon itong nagawang paglabag.