Close

HNP party ni Mayor Sara, nagbigay ng P5-M aid sa Sulu fire victims

Sponsor ads


Nagpaabot ng P5-M tulong si Davao City Mayor Sara Duterte at mga opisyal ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) party para sa libo-libong residente na biktima ng sunog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay city information officer Jeffrey Tupas, lumipad si Mayor Sara, at governors Claude Bautista at Anthony del Rosario ng Davao Occidental at Davao del Norte, papunta sa nataurang probinsya para mamahagi ng financial aid sa mahigit 20,000 katao.

Ang pera na maaring gamitin para sa pagpapatayo ng bahay ay kinuha mula sa Davao region local government units (LGUS) tulad sa Davao City at mga probinsya ng Compostela Valley, Davao del Norte, Davao Oriental at Davao Occidental kung saan ang bawat LGU ay nagbigya ng tig-P1 million mula sa kanilang calamity funds.

Maliban sa cash assistance, namahagi rin ang HNP ng school bags at school supplies.