Close

HNP party, itinangging kumukuha ng miyembro sa PDP-Laban

Sponsor ads


Itinanggi ng regional party na Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte ang usap-usapang nagrerecruit sila ng mga miyembro mula sa ruling PDP-Laban at iba pang national parties.

Sa isang pahayag matapos kausapin ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang rival factions ng PDP-Laban, binigyang diin ng partido ni Sara na handa silang tumulong sa PDP-Laban sa gitna ng sigalot sa partido.

Giit pa ng HNP, ginagalang nila ang history, experience, at wisdom ng PDP Laban.

Ang HNP ay regional party na nakabase sa Davao region, ngunit sa isinagawang oath-taking ceremony ay may namataang leaders mula sa ibang mga rehiyon.

Ito ay kinabibilangan nina Senators Cynthia Villar ng Nacionalista Party at JV Ejercito ng Pwersa ng Masang Pilipino maging ang aide ng pangulo na si Secretary Bong Go.