Close

HNP, gustong tumulong sa internal problem ng PDP-Laban

Sponsor ads


Inanunsyo ng political party ni Presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na handa itong tumulong sa gusot na ng ruling party na PDP-Laban.

Ayon sa HNP, ginagalang nito ang kasaysayan, karanasan at kaalaman ng PDP-Laban.

Dahil dito ay ikinalulungkot ng HNP na meron internal problem sa PDP Laban at umaasa sila na mareresolba na ang hindi pagkakaunawaan ng mga miyembro sa ruling party.

Mababatid na nahati sa dalawang paksyon ang PDP- Laban.

Inakusahan kasi ng paksyon na pinamumunuan ni Rogelio Garcia ang kampo ni PDP-Laban president Senator Aqulino Koko Pimentel ng paglabag sa mga patakaran ng partido dahil sa ginawa nitong mass oath-taking kasama ang mga bagong party members na hindi sumailalim sa seminar.