Close

Gymnast Carlos Yulo, nag-qualify sa Tokyo Olympics

Sponsor ads


Kinumpirma ng Philippine Sports Commission na nag-qualify ang Filipino gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa darating na 2020 Tokyo Olympics.

Ang 19-year old gymnast ay ang ikalawang Pinoy na nag-qualify sa Olympics, kasunod ng pole vaulter na si EJ Obiena.

Nagawa ito ni Yulo matapos niyang makuha ang 18th spot sa individual all-around qualification ng 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships male division na ginanap sa Stuttgart, Germany.

Naitala ni Yulo sa kumpetisyon ang 82.164 output.

Kung maalala ay nasungkit ni Yulo ang gintong medalya sa 2019 World Cup Gymnastics na ginanap sa Melbourne, Australia.