Close

Guinness world's Largest Jigsaw Puzzle, nasungkit ng UAE

Sponsor ads


Inanunsyo ng United Arab Emirates na nakamit nila ang Guinness World Records title na pagkakabuo ng World's Largest Jigsaw Puzzle.

Gawa ng 12,000 piraso jigsaw puzzle ang naturang obra.

Tinatayang nasa 1.5 acre ang jigsaw puzzle na may imahe ni UAE founding father Sheikh Zayed bin Sultan Al Nayhan.

Ginawa ang puzzle upang ipagdiwang ang Year of Zayed, isang nationwide initiative na ipinagdidiwang ang 100th birthday ni Zayed.

Ang dating record-holder jigsaw puzzle ay ginawa sa Netherlands noong 2002 at tinatayang may lawak na 1.3 acres.