Close

Groundbreaking ng Bulacan airport, gagawin sa katapusan ng 2019 - SMC

Sponsor ads


Positibo ang San Miguel Corporation na masisimulan na nito ang konstruksyon sa proposed P745-billion Bulacan International Airport sa katapusan ng 2019.

Ayon kay SMC president at COO Ramon Ang, na hanggang July pa ang Swiss challenge timeline nito at kailangan pa nilang isapinal ang concession agreement kasama ang sponsor agency tulad ng Department of Transportation.

Dahil rito ay sinabi ni Ang na posibleng ganapin ang groundbreaking sa katapusan ng taon.

Noong Abril ay sinimulan ng DOTr ang Swiss challenge o ang proseso kung saan ay dapat tapatan ng original proponent o higitan ang mga challengers sa airport proposal nito.

Matatandaan na ang Bulacan airport, na isang unsolicited proposal mula sa infrastructure unit ng SMC, ay inaprubahan ng NEDA Board, na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 26.

Kabilang sa proyekto ang konstruksyon, operasyon, at maintenance ng 2,500-hectare airport sa Bulakan, Bulacan kung saan ay inaasahan na magkakaroon ito ng passender terminal building na may airside at landside facilities, at airport toll road, at 4 na runways.