Close

Green energy projects, isinusulong ng MERALCO

Sponsor ads


Inihahanda na ng Manila Electric company ang paglulunsad ng 1,000-megawatt pipeline ng renewable energy projects sa susunod na lima hanggang pitong taon.

Ayon kay MERALCO President Ray Espinosa, makikiisa na ang electricity distribution giant sa green and sustainable energy kahit pa isinusulong nito ang clean coal para sa baseload power plants.

Tiniyak ng opisyal na patuloy ang paglikha nila ng large-scale renewable energy projects na makapagbibigay ng competitive electricity sa mga customer nang walang subsidiya o suporta habang napapanatili ang pangangalaga sa kalikasan.

Kasabay nito, nagtatag na ng bagong subsidiary ang MERALCO na tinawag na MGEN Renewable Energy Incorporated na magsisilbing platform para sa proyekto partikular sa solar photovoltaic, wind at run-of-river hydro power.

Binanggit ni MGen President at Chief Executive Rogelio Singson na kinikilala nila ang pagbaba ng development cost lalo na sa large-scale solar at wind sa mga nakalipas na taon kaya puspusan ang kanilang ginagawang trabaho.