Close

Govt may sapat na pondo para sa pagbili ng COVID vaccines

Sponsor ads


Tiniyak ng Department of Finance na may sapat na pondo ang gobyerno, para sa pagbili ng mga doses ng COVID-19 vaccines mula sa iba't-ibang sources, para bakunahan ang nasa 50 million Pilipino.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III naglaan ang DOF ng P75 billion sa P82.5 billion budget na kinakailangan para sa pagbibigay ng bakuna sa halos 55 percent ng populasyon.

Pagbabahagi ng ahensya, sa P82.5 billion vaccine budget, P2.5 billion ay magmumula sa Department of Health, P10 billion ay magmumula sa Bayanihan 2, habang ang natitirang P70 billion ay kukunin mula sa mga loans.

Inaasahan umanong ang multilateral institutions gaya ng World Bank, Asian Development Bank at Chinese-led Asian Infrastructure Investment Bank, ay magpapautang ng P62.5 billion para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.