Close

Gov't probe sa sabay-sabay na pagbagsak ng ilang power plants

Sponsor ads


Tiniyak ng Palasyo na hindi ito mag-aatubiling parusahan ang mga kumpanya kung may masilip na pagkukulang sa sabay-sabay na pagbagsak ng ilang mga power plants.

Batay sa reports ng Malakanyang sinabi ni Energy Assistant Secretary Red Delola , head ng electric power industry management bureau, na nagkakaroon na pagsisiyasat ang kanilang opisina kaugnay sa naturang insidente.

Ayon kay Delola, hindi nila pinapayagan ang maintenance activities tuwing summer months, bagkus ay mga planned maintenance lamang na inaaprubahan ahead of schedule.

Ito aniya ay para hindi masyadong malaki ang nawawalang power capacity tuwing panahon ng tag init kung kelan malaki ang power demand.

Kaya kasama aniya sa pinabubusi nila sa energy regulatory commission at Philippine competition commission ay ang tinatawag na anti-competetive behavior and patterns ng power players.

Isa sa pangunahing itinuturong problema sa mga planta ng kuryente ay ang umanoy pagkakaroon ng leak o tagas sa boiler tube ng mga power plant tuwing ganitong mainit ang panahon.