Close

Gov't agencies, naka-alerto para sa bagyong Tisoy - Panelo

Sponsor ads


Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na naka alerto na ang lahat ng mga kaukulang disaster-related agencies para sa pananalasa ng bagyong Tisoy.

Sinabi ni Panelo na maigi na rin mino-monitor ng Officer of the President ang mga lugar na dadaanan ng Tisoy.

Inabisuhan ng Palasyo ang publiko na laging i-check ang latest weather advisory sa pamamagitan ng social media accounts ng gobyerno at sa pakikipag-ugnayan sa mga local disaster and risk reduction management offices.

Ipinunto naman ni Panelo na naka-ready na ang mga kagamitan at pondo ng Department of Social Welfare and Development na nagkakahalaga ng P2.4-million

Inutos naman ng Department of Interior and Local Government sa mga local chief executives na personal na bantayan ang disaster management operations.

Sinabihan na rin ng DILG ang mga lokal na otoridad na ipagbawal ang mga aktibidad na may kinalaman sa turismo tulad ng mountaineering, surfing, hiking, diving, at iba pa.

Inabisuhan rin nito ang small-scale miners na iwasan ang kahit anong mining activities sa gitna ng bagyo.

Kasalukuyan na rin naka-blue alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council Operation Center.