Close

Gold toilet na mayroong 40,815 diamonds sa upuanan, ipinakita ang isang HK jewelry firm

Sponsor ads


Ipinakita sa publiko ng isang Hong Kong jewelry company na nag-eexhibit sa isang expo sa China ang gold toilet na mayroong 40,815 diamonds na nakadikit sa upuanan nito.

Ang Coronet jewelry brand, na pagmamay-ari ng Aaron Shum Jewelry Ltd., ay ipinakita ang gold toilet sa ikalawang China International Import Expo sa Shanghai.

Ang naturang toilet ay gawa sa karamiha'y gold, at ang upuanan naman nito ay kinabibilangan ng bulletproof glass na mayroong 40,815 diamonds o kabuoan na 334.68 carats.

Kung sakali naman kilalanin ng Guinness World Records bilang "most diamonds set in a toilet", ito na ang magiging pang-ika 10th world record para coronet, kabilang na ang mga naunang titulo na "most diamonds set in a watch".