Close

Gold Medalist ng SEA Games makakatanggap ng kabuoang P3-M incentive

Iaabot mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang cash incentives ng mga atletang Pinoy na naka-sungkit ng medalya sa ginanap na Southeast Asia Games (SEA Games) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon sa Republic Act 9064 Incentives Act, makakatanggap ng P300,000 ang gold medalist, P150,000 naman ang silver medalist, at 60,000 naman ang bronze medalist.

Naiuwi naman ng 493 Pilipinong atleta ang 121 medalya galing sa SEA Games. P15,990,000 ang kabuuang halaga na ibibigay ng Malacañang sa mga atletang nanalo.

Magkakaroon din ang mga coach ng kani-kanilang sariling incentives. // Cj Obillo (OJT)