Close

Gobyerno, pinaigting ang pagmo-monitor sa NFA rice sa Mindanao

National
Pinaigting pa ng gobyerno ang pagmo-monitor ng NFA (National Food Authority) rice sa mga lugar na nakararanas ng krisis sa Mindanao.

Sa inilabas na pahayag ng NFA, nananatili pa ring normal ang halaga ng regular at well milled rice sa Lanao del Norte at mga kalapit na lalawigan at nabawasan pa ito ng 5% bago pa ang Marawi siege.

Nasa P36 ang presyo kada kilo nag regular na bigas noong May 22 at bumaba ito sa P34 kada kilo habang ang well-milled rice naman ay nananatiling nasa P43 kada kilo.

Ayon kay NFA administrator Jason Laureano Y. Aquino, patuloy an gpagmo-monitor ng kanilang team sa sitwasyon ng presyo at suplay ng bigas hindi lamang sa mga apektadong lugar maging sa urban at remote areas din.

Bukod dito, inactivate na rin ng NFA ang Operations Center tuwing may kinakaharap na natural o man-made calamities at emergencies ang isang lugar upang agad na matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente. | Jasmine Cruz