Close

Go sa publiko: "Suportahan si Leni bilang drug czar"

Sponsor ads


Nanawagan si Sen. Christopher Bong Go sa publiko na suportahan si Vice President Robredo sa bago nitong tungkulin bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Ayon kay Go, hindi dapat na husgahan kaagad ang pangalawang pangulo at hayaan ito sa gusto nitong paraan ng paglaban sa illegal drugs sa bansa dahil para naman ito sa sambayanan.

Ganunpaman, iginiit ng senador na mas concerned ito sa mga inosenteng Pinoy na posibleng maging mabiktima pa ng illegal drugs.

Binigyang diin ng mambabatas na hangad ng administrasyon ang tagumpay ni Robredo sa paglaban sa illegal drugs dahil nababahala sila sa kapakanan ng mga kabataan at ng sambayanan kapag hindi nasawata ang iligal na droga.

Kapag mayroon aniyang isang biktima ng illegal drugs sa isang pamilya ay tiyak aniyang apektado na ang buong sambahayan nito.