Close

Go, emosyunal na ibahagi ang role ni PRRD sa kanyang buhay

Sponsor ads


Naging emosyunal si dating Special Assistant to the President (SAP) at aspiring senator Christopher Lawrence “Bong” Go nang ihayag nito na papel ni

Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang father figure sa kanyang buhay at father figure sa mamamayang Pilipino.

Giit ni Go, nakita niya kay Duterte ang isang tunay na ama na talagang nagmamahal, di lang umano sa kanya kung hindi sa lahat ng Pilipino.

Ang pahayag na ito ni dating SAP Go ay matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng kwento ng kanyang buhay sa isang programa sa telebisyon,

kung saan makikita rin ang naging role sa kanyang buhay ng pangulo.

Hindi naman makakalimutan ni Go ang naging tulong sa kanya ni Duterte para mas mahubog ang kanyang pagiging lider at public servant.

Inamin rin nito na marami siyang naging sakripisyo sa kanyang personal na buhay para lang matapos ang kanyang mga gagawin kabilang na rito ang

hindi pagkakaroon ng oras sa kanyang mga anak at asawa.

Pero sa kabila nito, wala umano siyang pinagsisisihan dahil batid umano niyang, ang kanyang ginagawa maging ng noo'y Davao City mayor ay para sa

kabutihan ng kapwa tao.

==========================