Close

Go, dumipensa sa banat ni de Lima

Sponsor ads


Dumipensa ang senatorial aspirant na si Christopher Bong Go mula sa naging pag-upak sa kanya ni Senator Leila de Lima.

Sinabi ni Go na tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay lagi siyang sumusunod sa batas.

Dagdag ni Go, wala siyang ibang hangarin kung 'di tumulong at ipaglaban ang kabutihan ng bawat Pilipino.

Iginiit ni Go na meron siyang mga kaibigan na sumusuporta sa kanyang mga adhikain.

Hindi naman binanggit ni Go kung saan galing ang pondo na ginagamit niya sa pangangampanya pero itinanggi niya na ginagamit niya umano ang pondo at makinarya ng gobyerno para sa kanyang pag-iikot sa bansa.

Sinabi din ni Go na hindi siya katulad ng nakakulong na senadora na gumamit umano ng pondo na galing sa illegal na droga.

Matatandaan na kinwestyon ni de Lima kung saan nanggagaling ang pondo ni Go matapos magkalat ang mga political ads nito sa buong bansa kahit wala pa ang official campaign period.