Close

Globe nilinaw na walang 'red carpet' para sa Mislatel

Sponsor ads


Nilinaw ng Globe Telecom Inc. na kailangang makipaglaban ng ikatlong telecommunication player ng bansa na Mislatel Consortium para sa sarili nitong market share at makipagkumpitensya sa iba pang telcos.

Ayon kay CEO Ernest Cu, walang red carpet para sa Mislatel at hindi rin nila isusuko ang kanilang espasyo.

Dagdag ni Cu, business as usual pa rin ang kanilang paiiralin kaya mananatili silang competitive.

Mababatid na idineklarang provisional third telco ang consortium noong Nobyembre.

Nakakuha ito ng nationwide coverage na 84.01%, minimum speed na 55 megabits per second o Mbps at capex/opex na P27 bilyon.