Close

GlobalPort, nakamit ang unang panalo vs Elastopainters

Sponsor ads


Nakamit na ng GlobalPort ang unang panalo nito kontra Rain or Shine sa score na 78-70.

Ginanap ang basketball game para sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Binuhat ni Stanley Pringle ang kampanya ng Batang Pier matapos niyang ipasok ang 20 sa kanyang 29 na puntos sa first half ng laro.

Nakatulong rin para mahinto ang 2-game losing skid ng GlobalPort ang 12 markers at 13 boards ni Kelly Nabong habang si Bradwyn Guinto naman ay nakapagtala ng 10 points at 9 rebounds.

Sa kabilang panig naman ay nanguna si Gabe Norwood sa Elastopainters dahil sa naitala niyang 15 points at 8 rebounds.

Mababatid na parehong may 1-2 win loss card na ang parehong kuponan.