Close

Ginto ng Pilipinas, nasa 23 na

Sponsor ads


Umabot na sa 23 ang bilang ng gold medals na nakokolekta ng team Philippines.

Naabot na ng Pilipinas ngayong taon ang total output ng gintong medalya na nakolekta nito noong 2017 sa Kuala Lumpur

Ibinigay ni Rambo Chicano ang unang ginto ng Pilipinas sa Triathlon event sa Subic Bay Boardwalk kung saan ay naitala niya ang oras na 1:53:26.

Tumabo naman ng 10 ginto ang mga kinatawan ng Pilipinas sa dancesport event na ginanap sa Royce Hotel sa Clark.

Sa arnis event naman sa Angeles University Foundation sa Pampanga ay nasungit ng Philippine arnis team ang 5 gold medal mula kina Jezebel Morvillo sa women's bantamweight, Dexter Bolambao sa men's bantamweight, Villardo Cunamay sa men's lightweight, Nino Mark Talledo ng men's featherweight at Mark Banares ng men's welterweight.

Nadipensahan naman ni Agatha Wong ang kanyang korona sa Wushu women's taijiquan event na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City.

(Photo Credit: Mark Demayo, ABS-CBN)