Close

Ginebra, kayang i-dethrone ang SMB - Cone

Sponsor ads


Naniniwala si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na hindi 'unbeatable' ang San Miguel Beermen na target makuha muli ang kampeonato sa PBA Philippine Cup sa ika-limang magkasunod na taon.

Kumpyansa si Cone na taglay ng Gin Kings ang mga katangian na kailangan upang ma-dethrone ang four-time defending champions.

Sinabi din ni Cone na kumpara sa ibang PBA teams ay mas malaki ang tyansa nila na ma-knock out ang Beermen.

Aminado naman si Cone na hindi ito magiging madali lalo na at kasama na ng Beermen sina Terrence Romeo at Christian Standhardinger.

Matatandaan na nakuha ni Cone ang kanyang 21st PBA title matapos talunin ng Gin Kings ang Beermen sa 2018 Commissioner's Cup sa loob ng 6 na laro.

Pero kung ang all-Filipino conference ang pag-uusapan, ay nagawa ng San Miguel na patunayan na ito ang hari sa kumpetisyon noong nakaraang taon matapos nitong talunin ang Magnolia sa 5 laro.