Close

Ginang sugatan sa pananaga ng manugang

Sponsor ads


TAMPAKAN, SOUTH COTABATO - SUGATAN ang isang ginang matapos umano itong tagain ng kanyang manugang na lalaki sa Purok Maligaya, Sitio Bukang Liwayway, Barangay Kipalbig nitong bayan.

Kinilala ang biktima na si Lina Masalon, 50-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, tinaga umano ang biktima ng bolo ng kanyang manugang na kinilalang si June Daway Tambi, 31-anyos.

Problema sa pamilya ang tinuturong rason sa nasabing insidente.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanap ng mga pulis sa suspek na tumakas matapos ang ginawang krimen. (Tiffany Jill Trinidad)