Close

Gina Pareño, target ang ‘lola’ role sa upcoming Disney film

Sponsor ads


Usap-usapan ngayon na target ng beteranang aktres na si Gina Pareño na makuha ang papel ng "Lola" sa Disney film na "Spider-Man 3."

Naghahanap ngayon ang American media giant ng Pilipina na lola na nasa pagitan ng 50-90 anyos at fluent mag-English para sa karakter.

Hindi kailangan na may professional acting experience ang mag-aapply.

Mababasa sa post ng Project Casting website: “Katie Doyle Casting, Hawaii is assisting Sarah Finn Casting (Avengers: Endgame, The Mandalorian, Guardians of the Galaxy) is looking for an actress to play a role in an upcoming Walt Disney Studios film,”

Nirepost ni Gina ang casting call sa kanyang Instagram story na may caption na: "Pasado ba ako pag nag audition ako sa Disney?"