Close

Gin Kings, nakamit ang unang panalo vs Elite

Sponsor ads


Malaki ang naiambag ni Greg Slaughter sa Barangay Ginebra matapos nitong gibain ang Blackwater Elite sa score na 105-91.

Ito ang unang panalo ng Ginebra para sa 2018 PBA Commissioner's Cup na ginanap sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

Nag-ambag si Slaughter, na 3 buwan nang hindi nakakalaro, ng 12 points, 6 rebounds at 2 assists.

Nakakuha naman ng double figures ang 5 iba pang miyembro ng Ginebra kabilang na ang nanguna sa laro na si Kevin Ferrer na nagtala ng 21 points, 5 rebounds at 3 assists habang ang import na si Charles Garcia ay nagtapos sa 18 points, 8 rebounds at 4 assists

Naging dikit naman ang laban sa maagang bahagi ng first quarter dahil nasa 5 points lang ang lamang ng Gin Kings pero tuluyan na itong nakalayo bago pumasok ang 2nd half sa score na 64-41.

Hindi naman naging sapat ang 25 points at 17 rebounds ni Jarrid Famous para mabuhat ang Elite sa laro.