Close

Gin Kings, nagkampeon sa 2018 PBA Commissioner's Cup

Sponsor ads


Pinatalsik ng Gin Kings sa trono ang Beermen matapos ang kanilang Game 6 para sa 2018 PBA Commissioners Cup title kung saan ay nagtapos ang laro sa score na 93-77.

Sa harap ng 20,490 na tao na dumagsa sa Mall of Asia Arena ay ginanap ang tapatan ng dalawang pangkat.

Ang best import na si Justin Brownlee ang nakapag-ambag ng nag-uumapaw na puntos para sa Gin Kings sa naitala niyang 31 points, 19 rebounds, 7 assists, 4 blocks at 2 steals.

Nagtala naman ang Finals Most Valuable Player na si Scottie Thompson ng double-double sa kanyang 12 points, 13 rebounds at 5 assists.

Nahirapan bumawi ang Beermen lalo na nang tumaas sa 22 points ang lamang ng Gin Kings.

Mababatid na nakaka-21 PBA titles na ang Gin Kings sa ilalim ni coach Tim Cone.

Samantala ito naman ang unang talo ni Beermen coach Leo Austria sa pitong beses na nakatungtong ito sa PBA Finals.

SCORES:

Ginebra (93): Brownlee 31, Slaughter 13, Thompson 12, Tenorio 11, Chan 10, Mercado 6, Ferrer 5, Devance 4, J. Aguilar 1

San Miguel (77): Fajardo 29, Balkman 24, Heruela 11, Cabagnot 6, Santos 5, Pessumal 2, Ross 0, Lassiter 0, Rosser 0, Vigil 0, Standhardinger 0

Quarter scores: 14-17, 35-38, 62-46, 93-77

(Photo: PBA IMAGES)