Close

Gilas pool para sa FIBA Asia Cup sa 2021, inanunsyo

Sponsor ads


Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at ng PBA na ang 24-man pool ng Gilas Pilipinas na pinaghalong mga PBA stars at collegiate stand-outs.

Kabilang sa mga mapapasama sa Gilas pool ay sina Kiefer Ravena, Japeth Aguilar, Kobe Paras, CJ Perez, at ang Fil-German na si Christian Standhardinger.

Sa nasabing pool pagpipilian ang mga players na magrerepresenta sa bansa sa first window ng qualifiers para sa 2021 Fiba Asia Cup.

Pangungunahan nila Standhardinger, Ravena Perez, at Pingris ang 16 na professional players sa pool na kinabibilangan rin ng limang rookies na pinili sa special Gilas draft noong nakaraang buwan na sina Isaac Go, Rey Suerte, Matt Nieto, Mike Nieto, at Allyn Bulandi.

Mababatid na si Standhardinger ang magsisilbing naturalized player ng team, habang kapansin-pasin naman na wala sa pool ang five-time PBA MVP na si June Mar Fajardo.