Close

Gilas Pilipinas women's team, sasali sa 41st Jones Cup

Sponsor ads


Lalahok ang Gilas Pilipinas women's team sa 41st Jones Cup na gaganapin sa July 24-28 sa Chinese Taipei.

Pangungunahan ng apat ng Fil-Am players ang national team para sa kampanya nito sa kumpetisyon.

Magiging makasaysayan ang pagsali ng Gilas Pilipinas dahil ito na ang unang beses na naimbitahan ang women's national team ng bansa sa kumpetisyon

Ayon kay coach Patrick Aquino, noong nakaraang taon pa nagkaroon ng imbitasyon ang women's team ng Gilas para sumali sa Jones Cup.

Gayunman, kinailangan anya nila na tanggihan ang imbitasyon dahil sa kawalan ng kahandaan mula nang hindi payagan na makalaro ang bansa sa Asian Games.