Close

Gilas, nasungkit ang gold sa 3x3 basketball competition sa SEAG

Sponsor ads


Dinurog ng Gilas Pilipinas ang Indonesia sa 3x3 basketball competition sa Southeast Asian Games na nagtapos sa 21-9.

Winalis ng Piipinas ang buong event matapos nitong maipanalo ang lahat ng kanilang 8 laro.

Dahil diyan ay nagawa nina Maola Tautuaa, Jason Perkins, Chris Newsome, at CJ Perez na madagdagan ang gold medal haul ng team Philippines para sa SEA Games.

Dumagundong naman ang buong FilOil Flying V Centre dahil sa pagdiriwang ng mga basketball fans sa lugar matapos dominahin ng Gilas ang buong kumpetisyon.


(Photo Credit: Jonathan Cellona, ABS-CBN News)