Close

Gilas, last place sa World Cup rankings

Sponsor ads


Naging cellar dweller ang Gilas Pilipinas mula sa 32 bansa na nagpartisipa sa 2019 FIBA World Cup.

Ito ay matapos mabigo ang national team na manalo ng kahit isang beses mula sa 5 nitong laro.

Nalikom ng team Philippines ang pinakamalalang point differential sa buong torneyo sa kanilang -147 points.

Lahat ng 4th placers sa 4 na classification groups ay bumagsak sa 29th hanggang 32nd ranking kabilang na ang Pilipinas na nangulelat sa Group N.

Bagamat meron rin 0-5 win loss record ang Senegal ay natapos nito ang kanilang kampanya sa World Cup na may -102 point differential.


(Photo: Fiba)