Close

Gilas, balik bansa matapos mabigo sa FIBA world cup

Sponsor ads


Balik bansa na ang Gilas Pilipinas matapos mabigo sa 2019 Fiba World Cup.

Bagsak balikat ang national team dahil wala itong naipanalo kahit isang laban.

Ayon kay Gilas coach Yeng Guiao, marami pang bagay na dapat suriin sa grupo matapos malampaso ng mga kalaban.

Aminado ang Gilas coach na dismayado siya sa naging resulta ng tournament kung saan nasa huling pwesto ang koponan.

Pero, gagawin na lamang nilang leksyon ang naturang karanasan.

Inako rin ni Guiao ang buong responsibilidad sa pagkatalo kaya hindi na aniya dapat pang batikusin ang mga players.