Close

German vaccine institute, pinuri ang efficacy ng Astra-Oxford vaccine

Sponsor ads


Inilarawan ng head ng Germany's vaccine regulator ang success rate ng AstraZeneca's COVID-19 vaccine bilang 'excellent' matapos na punain ng ilang Australian scientists ang efficacy nito.

Ayon sa presidente ng Germany's Paul Ehrlich Institute (PEI) na si Klaus Cichutek, bagama't may ilang mga debate kaugnay sa best usage pattern para sa bakuna, nananatili naman umanong outstanding at excellent ang efficacy nito.

Mababatid na ang AstraZeneca shot, na parehong binuo ng Oxford University, ay lumalabas sa trial na mayroong efficacy na 62%, habang tinukoy ng Britain's healthcare regulator ang efficacy na 80% sa ilalim ng ilang administration pattern.

Ito umano ay katulad sa halos 95% na efficacy ng mga bakuna na binuo ng Pfizer at partner na BioNTech, maging ng Moderna.