Close

George Clooney, injured sa motorbike accident

Sponsor ads


Nagtamo ng minor injuries ang veteran actor na si George Clooney matapos na masangkot sa banggaan ng sasakyan at ng kanyang sinasakyang motorbike.

Ayon sa report, nangyari ang aksidente sa Sardinia kung saan sino-shoot ang latest TV series nito na Catch 22.

Kinumpirma naman ng kampo ni Clooney na ginamot sa ospital ang aktor pero agad din itong na-discharge.

Base sa pahayag ng kampo ng aktor, hindi nirespedo ng driver ng Mercedes E SW ang right of way kaya siya nabunggo na dahilan ng pagbasak nito.

Sa ngayon ay nagpapahinga na si Clooney sa kanyang bahay.