Close

Geographic market para sa turismo sa bansa, palalawakin

Sponsor ads


Kinumpirma ng Department of Tourism na plano nilang palawakin pa ang geographic markets para mas dumami pa mga turistang bumibisita sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nangunguna ang mga bansang Korea, China, Estados Unidos, Japan, Taiwan at Australia sa core markets ng Pilipinas pagdating sa turismo.

Sa pagharap ng DOT sa budget deliberations ng Kamara, sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. na sunod nilang target ang mga bansa sa Middle East, Europa, Turkey at Israel.

Mula sa traditional media ay pinag-aaralan na rin aniya ang paglipat sa digital platform para sa promotional materials dahil karamihan sa modern-day travelers ay gumagamit na ng smart phones para kumuha ng impormasyon sa mga bansang nais bisitahin.

Dagdag pa ni Bengzon, magdedeploy ang ahensya ng multilingual front liners sa mga paliparan upang matulungan ang mga dayuhang hindi marunong magsalita ng wikang Ingles na karaniwang mga Chinese, Japanese at Korean nationals.