Close

Geoff Eigenmann, nag-propose sa GF

Sponsor ads


Sisimulan na ng aktor na si Geoff Eigenmann ang bagong kabanata ng kanyang buhay matapos tanggapin ng kanyang bagong fiancé ang kanyang wedding proposal.

Ibinahagi ni Eigenmann sa kanyang Instagram account ang naturang balita.

Pinost ng aktor ang litrato nila ng singer na si Maya Flores na magkayakap.

Mababasa roon ang caption na: "from my girlfriend, to now my fiancé a new chapter begins #lifesentence".

Ibinalita din ni Maya ang nangyaring marriage proposal gamit ang parehong litrato sa sarili niyang Instagram account.

Sinabi niya: "it just got real, like diamond real. I said yes!"

Mababatid na meron one-year-old daughter ang soon to be married couple na si Arabella Simone habang malapit na rin isilang ni Maya ang kanilang magiging pangalawang anak na isang baby boy.