Close

Gensan at Sarangani, todo paghahanda sa Pacquaio-Matthysse fight

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Kaniya-kaniya paghahanda na ang ginagawa ng lokal na pamahalaan sa lungsod at maging sa lalawigan ng Sarangani para sa nalalapit na laban ni Senator-Champ Manny Pacquiao kontra kay Lucas Matthysse.

Ayon kay Gensan Mayor Ronnel Rivera, nakahanda na ang libreng viewing sa Lagao gymnasium sa lungsod na normal ng ginagawa ng lokal na pamahalaan tuwing may laban ang pambansang kamao.

Habang sa lalawigan ng Sarangani, allset na rin ang libreng viewing sa kani-kanilang mga bayan lalo na sa mismong provincial capitol na siyang inaabangan ng mga kababayan ni Pacquaio.

Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ang publiko na panoorin at suportahan ang nalalapit na laban ng pambansang kamao sa Malaysia. jbc